3 Hindi Kagandahan ng Time Deposit Investment

3 Hindi Kagandahan ng Time Deposit Investment
Mga Pangunahing Kaalaman sa Time Deposit
Sa madaling salita, ang Time deposit ay isang investment na nagbibigay ng mas malaking tubo ng interes sa pamamagitan ng pagtago ng iyong pera sa loob ng permanenteng bilang ng araw. Ang termino ay maaaring magkakaiba, at depende sa pinili mong termino, ang interes na iyong kikitain sa iyong Time deposit ay maaari ring magkakaiba.
Ang Time deposit ay hindi pwede para sa lahat gaano man ito nakakaenganyo. Ang mga sumusunod ay tatlong hindi kagandahan ng pamumuhunan sa Time deposits:
Walang Kalayaan sa Pag-access sa iyong Pera
Sa kadahilanang nakatago ang iyong pera sa banko, kadalasan sa loob ng maraming buwan (o taon), nawawalan ka ng kalayaan upang regular o araw-araw na ma-access ang iyong savings account.
Kapag nilabas mo ang iyong pera mula sa iyong Time deposit account bago ang napagkasunduang maturity date, malamang ay mamulta ka sa pamamagitan ng pagbawas sa iyong tubo o pagbabayad ng multa.
Mababang Tubo sa iyong Ipinuhunan
Ang Time deposit ay halos nagbibigay ng mas mataas na interes kesa sa regular na savings account. Subalit dahil masyadong mababa ang panganib na kaakibat ng Time deposits, mababa ang tubo na makukuha buhat dito kumpara sa ibang mga investment na pagpipilian (halimbawa ari-arian, stocks, bonds at iba pa).
Habang ang Time deposits ay nakakapagbigay ng pinakamataas na proteksyon laban sa pag-aalinlangan, nagbibigay ito nga mababang proteksiyon sa inflation. Halimbawa, kung ang rate ng iyong Time deposit ay 3.5%, at ang kasalukuyang inflation rate ay 3%, ang halaga ng iyong pera ay tumaas lamang ng 0.5% (kung saan 3.5%-3%=0.5%).
Hindi Nakaka-engganyo
Hindi tulad ng mga ibang investment, ang Time deposit ay payapa at boring (hindi naman masama). Hindi gusto ng mga ibang tao ang katotohanang alam nila agad kung magkano ang kanilang kikitain pagkatapos nilang mamuhunan sa loob ng mahabang panahon. Kung aktibong partisipasyon ang iyong hanap, ang Time deposit na investment ay hindi ukol sa iyo.
Kung nais mong mag invest sa stock market, eto ang ginawang gabay ng iMoney Philippines sa pag-iinvest sa stock market.
Leave your comment