Wais Tips: Paano Makakatipid ng Pera ang Filipino – part 1
Maaaring narinig mo na ang iyong kaibigan na sabihin ang mga katagang ito, “Tsaka na ako mag-iinvest kapag may ipon na ako”. Makakaipon ka naman ng pera kahit kailan mo gusto pero ang pinakamaganda ay yung pagdating ng sweldo, ang uunahin mong gastos ay ang iyong savings. E paano makakatipid ng pera? Eto ang ilan sa mga tips mula sa iMoney Philippines.
1. Maglaan 20% o higit pa sa iyong savings account.
Ano ba ang depinisyon mo ng savings? Isa sa mga pinakamalaking pagkakamali nating mga Pilipino ay kung ano depinisyon natin ng savings. Kadalasan,
Kita – Gastos = Savings kesa sa Kita – Savings = Gastos
Kailangan mong magbayad ng ilaw, tubig, kuryente, pamasahe at kailangan mo pang magbigay ng pera sa pamilya mo. Pero pag natapos ang araw, ano na lamang ang natira sayo? Kaunti lang di’ba? So eto ang tip ko sayo, kapag may natanggap kang pera, ilagay mo kagad ang 20% nito sa bangko. Bukod sa makakapag umpisa ka na sa pag-iinvest magkakaroon ka ng sapat na pera para sa mga emergency na mangyayari.
2. Makakatipid ng pera sa pagbawas ang iyong gastos.
Ang pagtaas ng iyong sweldo ay nangyayari lamang kada taon, ang pinakamabilis na paraan para ikaw ay makatipid ay paliitin ang iyong gastos. Eto ang ilan sa mga pwede mong gawin:
a. Magplano ng mga kakainin. Ang pagbili ng marami ay nakakatipid, mainam ito sa mga nagdadala ng baon sa opisina kung saan malaki sa ating kinikita ay napupunta.
b. Subukang manatili sa bahay kapag Sabado at Linggo. Kapag ikaw ay wala sa bahay, malaki ang posibilidad na gagastos ka, maaaring ikaw ay nasa mall kaya’t kakain ka sa fastfood o kaya sa mamahaling restawran at hindi lang ‘yan, baka magtaxi ka pa umuwi.
c. Bumili ng Filipino products. Hindi alam ng nakararami na mas mura ang produktong pinoy dahil mas mura ito kesa sa mga mas popular na bilihin sa mga supermarket. Bukod sa nakakatipid ka na, nakakatulong ka pa sa ekonomiya.
d. Putulin ang cable at landline. Ginagamit mob a talaga ang mga ito? Makakanood ka na naman sa computer ng kahit anong TV show na gusto mo at pwede ka ng makipag usap ng walang bayad, mapa local o internasyonal.
3. Kumita ng easy money!
Mag iwan ka lamang ng garapon sa iyong bahay at kung meron kang mga barya-barya na natira mula sa pagpunta’t pag uwi mo galling school o office, ilagay mo lang yung pera sa garapon. Sabihin natin na makakapg ipon ka ng P10 kada araw.
Kada linggo P 70.00
Kada buwan P 280.00
Kada taon P3,650.00
Isipin mo sa P10 kada araw ay makakapg- ipon ka nan g ganyang halaga. San ka makakakuha ng P3,650.00 sa panahong ito? Easy money!
Kaalaman tungkol sa mga paraan kung paano makakapag ipon ng pera ang kadalasang kulang sa atin, pero hindi talaga ito ang problema. Ang kaalaman ay 10% lamang ng dapat nating gawin sa pagtitipid, 90% ay nakalaan sa disiplina para dito. Kung gagastos ka ng piso ngayon, tanungin mo ang sarili, makakadagdag kaya ito ng halaga sa iyo? Interesado ka ba sa magbukas ng savings account, alamin mo ang iyong mga pagpipilian.
Leave your comment