Tips Sa Paggamit Ng Credit Card Para Sa Online Shopping

credit card shopping

Masaya at madaling mag-online shopping, pero, iyon ay kung hindi ka lumalagpas sa iyong credit limit. Ayaw mo naman sigurong matabunan ng  bills na hindi mo kayang bayaran pagdating ng katapusan ng buwan, di ba? Kung ikaw ay isang online shopaholic, na walang disiplina sa paggamit ng pera, ang mga sumusunod ay mga mahahalagang payo para makaiwas sa mga posibleng problemang pinansiyal:

 

Gumamit Lamang Ng Isa O Dalawang Credit Cards

Iwasang gumamit ng madami at iba’t-ibang klaseng credit card, dahil mahihirapan kang mabantayan ang lahat ng  binibili mo sa internet. Pumili lang ng isa o dalawang credit card na naiinitindihan mo, kabisado mo, at nagbibigay sayo ng pinakamagandang interest rates at terms.

Piliing Gamitin Ang Credit Card Na May Pinaka-mababang Interest Rates

Marahil parang common sense na ang tunog ng paalalang ito, pero magugulat ka sa dami ng tao na hindi ito ginagawa! Kung hindi lang isa ang credit card mo, ang lagi mo dapat gamitin sa pag-shopping ay ang credit card na may pinakamababang interest rate. Sa ganitong paraan, kung hindi mo man mabayaran ang bills mo sa tamang oras, meron kang matitipid kahit sa interest lang.

Subukang Bayaran Ang Mga Binili Online sa Loob ng Interest-Free Period

Karamihan sa mga bangko ay hindi nagpapataw ng interest sa loob ng 20-45 na araw matapos kang bumili gamit ang credit card mo. Ang tawag dito ay “interest-free period.” Kung hindi mo mabayaran ang iyong outstanding balance sa loob nitong interest-free period, ang mga natitirang kailangan mong bayaran ay mabi-bill sa susunod na buwan, at mapapatawan ito ng interest. Kapag sinigurado mo na ang pagbayad mo ay hindi lumalagpas sa limitasyon ng interest-free period, maaari kang mag-enjoy ng interest-free online shopping!

Ang mga ito ay ilan lang sa mga mahuhusay na tips sa pag-online shopping gamit ang iyong credit cards.

Lagi ka bang nahuhuli sa pagbayad ng iyong credit card bill? Kung ganun, basahin mo ang aming 3 Madaling Hakbang Kapag Hindi Mo Nabayaran Ang Iyong Minimum Credit Card Payment.

Leave your comment