iMoney.my Learning Centre
  • All Categories

    All Categories

    Close
    • Latest Articles
    • Go to iMoney.ph
    • Banks
    • Broadband
    • Car Insurance
    • Car Loan
    • Careers
    • Credit Card
    • Credit Score
    • Debit Card
    • Debt
    • Education
    • Employment
    • Entrepreneurship
    • Fame and Fortune
    • Finance Quotes
    • General Money Saving
    • Health Insurance
    • Home Loan
    • Infographic
    • Insurance
    • Investment
    • Lifestyle
    • Money Ideas
    • Money Management
    • Most Popular Articles
    • News
    • Online Business
    • Online Security
    • Personal Accident Insurance
    • Personal Loan
    • Retirement
    • Review
    • Savings Account
    • Sponsored
    • Taxes
    • Time Deposit
    • Travel and Transport
    • Travel Insurance
  • Credit Card
  • Money Management
  • Lifestyle
  • Money Ideas
  • Guides
  • Go to iMoney.ph

Usapang Pera Para Sa Mga Mag-Asawa

September 5, 2013
Savings Account
Share this!
  • Share
  • Tweet
  • Email
  • WhatsApp

Written by imoney

couples on the beach pera financePara sa marami, ang pera ay simbolo ng kakayahan at kasiguruhan. Kaya tayo naghihirap makahanap at manatili sa trabaho dahil kailangan natin ang pera sa pang-araw araw nating pamumuhay. Kaya kung hindi ito maayos na nagagamit, madalas itong nagiging sanhi ng alitan. Sa isang pag-aaral na ginawa, pito sa sampung mag-asawa ay nagaaway dahil sa pera. Dumarami ang ganitong pangyayari sa relasyon ng mga mag-asawa sa Pilipinas, katulad ng madalas na ipalabas sa telebisyon at sinehan. Ngunit bakit nga kaya ito nagiging sanhi ng away-mag-asawa? PAGKAT hindi ito maayos na napag-uusapan sa lebel ng pamilya. Narito ang ilang tips upang mas maging maayos ang paghawak ng mag-asawa sa kanilang pera.

Itakda ang mga Pinansyal na Layunin Bago Ikasal

Madalas mang iniiwasan ang usaping pera, lalo na ng mga mag-asawa, marapat pa ring gawin ito para na rin iwasan ang mas malalaking problemang maaaring idulot nito kung sakaling hindi maisaayos agad. Mahalagang naitakda na ang mga layon bago pa man ikasal—nais mo bang manatiling walang utang at mapag-aral sa magandang kolehiyo ang iyong mga anak sa takdang panahon? Magagawa mo iyon, kung itatakda mo na ngayon pa lamang. Walang imposible.

Magtakda rin ng mga Tungkulin

Ang pag-bubudget ay madalas na tungkulin ng mga ina ng tahanan. Ngunit hindi ba maganda na parehas kayong mag-asawa na may say sa badyet na gagamitin sa bahay? Bilang isang team, maaaring ang isa ay gagawa ng budget at isa naman ang magta-track ng mga gastusin. Sa ganitong paraan, maayos na nakikita ang pinaglalaanan at pinupuntahan ng perang parehas ninyong inipon. Sabi nga nila, “two heads are better than one.”

Pantay Kayo

Kung ang kinikita ni Jun ay PhP 30,000.00, samantalang PhP 20,000.00 naman ang kay Jane, sisiguruhin ni Jun na magbibigay siya ng mas malaking halaga sa mga gastusin sa bahay. Hindi dapat isyu sa mag-asawa ang laki ng kinikita at ibinibigay dahil pantay lamang sila ng katayuan. Mahalagang parehas na may say ang mag-asawa sa mga pagkakagastusan at paglalaanan ng kita sa loob ng bahay.

Maging Bukas ang Isipan

Ang mga mag-asawa ay dapat laging nariyan para sa isa’t isa. Kung may problema ang isa lalo na sa pinansyal na aspeto, mahalagang napag-uusapan ito ng malaya upang mahanapan ng mas mainam na solusyon. Tandaan, ang maayos na komunikasyon ang pundasyon ng matitibay na pagsasama.

Humingi ng Payo

Kung hindi kayang umayon sa isang isyu o bagay, mainam na kumonsulta sa isang counselor o sa isang common friend. Mainam na sa isang counselor o common friend humingi ng payo sa mga ganitong uri ng hindi pagkakaintindihan kaysa palaging sa mga kamag-anak. Dahil kapamilya, madalas na may bias ito sa isang partido. Ang independent na payo mula sa pinagkakatiwalaang kaibigan ay mas makakatulong. Huwag hayaang magtagal ang hindi pagsang-ayon o hindi pagkakaintindihan upang hindi patuloy na masira ang samahan.

Share this article

Share this!
  • Share
  • Tweet
  • Email
  • WhatsApp

Related Articles:

  • Mga Negosyong Patok Ngayong 2023
    Mga Negosyong Patok Ngayong 2023
  • The Philippine Long Weekend Guide For 2023
    The Philippine Long Weekend Guide For 2023
  • Everything You Need to Know About Loan Online
    Everything You Need to Know About Loan Online
  • BSP Hikes Interest Rate By Another 25 Basis Points
    BSP Hikes Interest Rate By Another 25 Basis Points

Leave your comment

Exclusive Interviews
How Do You Design Your Success Story: According to Francis Kong (Part 3)

How Do You Design Your Success Story: According to Francis Kong (Part 3)

How To Recognize Your Potential For Success: According to Francis Kong (Part 2)

How To Recognize Your Potential For Success: According to Francis Kong (Part 2)

How Do You Climb The Mountain Called Success: According to Francis Kong (Part 1)

How Do You Climb The Mountain Called Success: According to Francis Kong (Part 1)

Compare and apply with iMoney
Credit Card Car Loan Housing Loan Personal Loan
Get money saving tips!

We send you tips & deals that will save you time and money.

iMoney.myLearning Centre
Back to top

iMoney.ph is a leading financial comparison website and a trusted personal finance authority to help you make the most out of your money.

  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram
  • Youtube
  • Go to iMoney.ph
  • Privacy Policy
  • Disclaimer
  • Corporate

© 2023 iMoney.ph